Home » Post Item » Rubix
Rubix
March 9, 2008Ilang buwan na rin nagkakagulo ang mga tao sa pagbuo ng rubix cube. Kahit sang sulok ng Maynila meron at meron kang makikita, mapababae, lalake, matanda o bata. Ako din, may mga ilang araw din ako na hindi ko matigilan ang pagbuo nito… siguro bandang november yun. Buti na lang pumasa ako sa board exam, kung hindi baka galet na galet siguro ako ngayon sa rubix cube.
Kasabay ko noon yung best friend ko. Hindi namin tinigalan yung rubix hanggat hindi kami makabuo ng isang color na tama… Pero iniwan nya ako sa kabaliwan na yun. Natuwa ako sa perseverance nya na mabuo yun kaya binili ko sya ng key chain nun.
Nito ko lang naibigay sa kanya kasi kakatapos lang ng finals nya… Sa wakas, gragraduate na rin siya sa kurso ng Parmasya, tulad ko haharapin na nya ang buhay ng propesyonal.
Isang araw, walang beep sa cellphone ko. Kadalasan kasi kinakamusta ako ng payatot na yun. Ang akala ko naman buong araw siya nag-aaral. Gumabi, natapos ang coffee prince, pero wala pa din ang mukha nya sa cellphone ko. Tinext ko sya kung 13 hours ba sya nag-aral at hindi man lang nya ako naalala. Wala daw ilaw sa bahay nila kaya hindi siya nakapag-aral. Nagtampo ako dahil may sakit ako at hindi man lang nya ako naalala kahit isang missed call lang.
Sayang, kung hindi sana ako nagtampo, masaya siguro akong papasok sa office bukas dahil makakasama ko sana sya noong araw pagkatapos ko syang tulugan.


